NAGISING SI Bia dahil sa marahang pagyugyog sa kaniyang balikat. Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata at maisip kung nasaang lugar siya ay ganoon na lamang ang pag-ayos niya ng upo. “Bia, bawal ‘yang ginagawa mo rito,” saway ni Mrs. Lucy kay Bia na naabutang natutulog sa table nito. “Sorry po. H-hindi na po mauulit,” nahihiya niyang wika. Hindi niya namalayan na tuluyan pala siyang nakatulog kanina. Kung bakit pagkatapos kumain ng tanghalian ay inantok ang pakiramdam niya. Mabuti na lamang at si Mrs. Lucy ang nakakita sa kaniya. “Nagpupuyat ka ba?” tanong pa nito sa kaniya matapos ipatong ang isang folder sa kaniyang table. Umiling siya. “Hindi po.” Maaga naman siyang natulog kagabi. Tumikhim ito. “Pakiaral nitong laman ng folder.” Tumango siya. “Sige po.” “Uminom ka kaya ng kap

