“HINDI PA rin ba umuuwi si Ken?” “Umuwi na po siya kanina, dad,” ani Geo sa kaniyang Daddy KG. “Kaso, umalis ulit siya nang maulit ko na may naghahanap sa kaniya. Ewan ko ba at nagmamadali siyang umalis.” “Sino naman ang naghahanap sa kaniya?” sabad ng kaniyang Mommy Tami. “Bia ang pangalan na binanggit ng guard sa may guard house. Mukhang kilala ni Kuya Ken. Kasi, hindi naman po siya magmamadaling umalis kung hindi niya ‘yon kilala.” Tinawagan ni KG ang si Kennedy ngunit naka-off ang cell phone ng anak. “Hindi ko alam kung low bat ba ang cell phone ng kapatid mo o naka-off lang.” “Dad, malaki na si Kuya Ken,” ani Jamil. “Aso nga kapag nawala, hinahanap, tao pa kaya?” Pigil ni Geo ang matawa sa sinabing iyon ng kanilang ama. May punto naman kasi ang sinabi nito. “Hubby, hayaan mo

