“A-AZRIEL—” “Hindi ko babawiin ‘yong sinabi ko, Zebianna.” Ngumiti sa kaniya si Azriel. “Ganoon din naman, eh. Para din namang tayong may relasyon. Bakit hindi pa natin totohanin? You like me too. Don’t try to deny it, Zebianna. Because your kisses won’t tell lies.” Dahil ba sa pagtugon niya sa halik nito kanina? Doon ba ito nagbase? Nagbaba siya ng tingin dahil pakiramdam niya ay nasukol siya nito ng mga sandaling iyon. “Paano kapag—” “Puwede ba na saka na lang natin isipin ang sasabihin ng iba? Itatago naman natin kaya walang makakaalam. Lalo na ang mama ko kung ‘yon ang pinag-aalala mo.” Napalunok siya. Bigla ay para bang nagulo rin ang isip niya dahil sa biglaang anunsiyo na iyon ni Azriel. Oo nga at higit pa sa gusto niya ang binata. Ngunit napakarami pa rin niyang what if? “Le

