TIGALGAL LALO ang lahat sa narinig na sinabi ni Samarrah. “W-what did you say, anak?” halos magsalubong ang kilay ng daddy ni Samarrah nang makabawi. “Dinadaya lang ba ako ng aking pandinig? Did I hear it right?” Umawang ang labi ng ina ni Samarrah. “A-anak, hindi magadang biro ang sinabi mo.” Lumunok si Samarrah. Animo may malaking kung ano na nakabara sa kaniyang lalamunan. Nahihirapan siya sa paglunok. Akmang lalapit kay Samarrah ang kaniyang ina na si Tami nang umatras siya palayo rito. “Tama po kayo ng narinig,” pagkumpirma niya sa kaniyang sinabi na ikinahinto ng kaniyang ina sa akmang paghakbang palapit sa kaniya. Sa pagkakataon na iyon ay lumarawan ang galit sa mukha ng kaniyang ama. “Azriel?” matigas nitong wika na bumaling kay Azriel na noon ay nakatayo na. Mabilis na lumap

