BUONG AKALA ni Samarrah, kapag nasabi na nila ang totoo sa kaniyang pamilya ay okay na. Hindi pa rin pala. It’s been two days, pero mukhang tinitiis pa rin siya ng kaniyang mga magulang. Kahit ang mga kapatid niya, wala man lang siyang naririnig mula sa mga ito. Ni hindi man lang siya puntahan sa bahay ng kaniyang lolo’t lola para kausapin. Mukhang ang dalawang matanda lang ang masaya para sa kanilang dalawa ni Azriel. Mula sa likuran ni Samarrah ay niyakap siya roon ni Azriel. “Gusto mo ba na mag-out-of-town muna tayo?” masuyong tanong ni Azriel sa nobya. Out of town? Makakatulong ba iyon sa kaniya? Napabuntong-hininga si Samarrah. “Baka mainis ka lang sa akin kapag nag-out-of-town tayo tapos hindi ko naman magawang mag-enjoy.” “Love,” ani Azriel na mas humigpit pa ang pagkakayakap

