IKINURAP-KURAP ni Geo ang kaniyang mga mata na naluluha habang nakatanaw sa malayo. Kapag kuwan ay pumihit paharap sa kaniyang dalawang kapatid. “I felt betrayed by our own sister,” aniya na huminga pa nang malalim. Tumingin sa kaniya si Jamil. “Kuya, tama naman si Ate Sam. Ever since, hindi naman nila tinuring ni Kuya Azriel na pinsan ang isa’t isa.” “That’s why, Jamil. Akala ko, marami na akong alam noon sa kapatid natin. Pero ni hindi pumasok sa isip ko na nagkaroon pala ng secret relationship ang dalawa na ‘yon nine years ago.” “Meaning, napakagaling nilang magtago ng kanilang nararamdaman para sa isa’t isa. See? Sobrang close pala nila noon pero wala kayong kaalam-alam na nakakasama sila ng mas madalas. Isa pa, magkasama sila sa iisang bahay.” “Jamil, kahit nasa iisang bahay sila

