“LOVE, agaw atensiyon talaga ‘yang kaguwapuhan mo rito. Tingnan mo, ang lagkit ng tingin sa iyo ng mga babae sa banda roon,” ani Samarrah na pasimple pang inginuso ang kinaroroonan ng mga babaeng alam niya na ang tinitingnan ay ang kaniyang nobyo. Sa halip na sundan ni Azriel ng tingin ang tinutukoy niyang mga babae ay ipinaling pa nito ang mukha niya paharap dito. “‘Wag mo silang tingnan. Ako lang ang tingnan mo,” saway pa nito sa kaniya. “Partida, huh? Hindi ka pa nakasuot ng swimming trunks,” biro pa niya. “Mukhang bumubuti-buti na ang pakiramdam mo dahil kahapon ka pa makulit,” sa halip ay wika nito sa kaniya. Kung alam lang ni Azriel, pinipilit niyang maging makulit dahil ayaw niya na mag-alala pa ito sa kaniya. Hindi maganda na sabayan pa nito ang pagiging stress niya. Ilang ga

