Chapter 76

2131 Words

NANG MAKAUWI sina Samarrah at Azriel sa bahay ng kanilang lolo’t lola ay ang silid agad ng mga iyon ang unang hinayon ni Samarrah para ipaalam sa mga ito ang pagdating nila. Nagtaka pa siya dahil wala roon ang dalawang matanda. “Sina lola?” tanong niya sa isang kawaksi. “Nasa bahay po ng mga magulang ninyo.” “Ganoon ba?” tangi niyang nasabi. Napatingin siya kay Azriel. Pagkuwan ay napabuntong-hininga. Nagpaalam naman ang kawaksi na itutuloy na nito ang pagdadala ng mga gamit nila sa silid ni Azriel. “Uuwi rin kaya sila rito?” tanong pa niya kay Azriel nang hilahin na siya nito sa kamay palayo sa silid na iyon. “I don’t think so. Gusto mo ba na tumawag ako sa bahay ninyo para ipaalam kina lolo’t lola na narito na tayo ngayon?” Mabilis siyang umiling. “No. Hindi na kailangan, Love.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD