Book 2 - Chapter 3: One Night Pleasure

2813 Words

“MAWALANG GALANG na po,” magalang na wika ni Bia sa naglalako ng candy at sigarilyo gamit ang takatak. Babae iyon na may nakasangat pa na isang sigarilyo sa may tainga. Madaling araw na rin nang makarating ang kaniyang kinasasakyang bus sa terminal niyon sa Maynila. Nakakapanibago para kay Bia ang ingay sa Maynila. Palibhasa ay nasanay siya sa loob ng labing-isang taon sa probinsiya na tahimik lang at hindi ganoon karami ang sasakyan na nadaan sa kalsada. Walang kaliwa’t kanan na ugong ng mga sasakyan. Natulog naman siya sa biyahe kaya may sapat siyang lakas ng mga sandaling iyon. Pagbaba niya kanina sa sinakyan na bus ay medyo nahilo lang siya dahil sa gutom kaya kumain agad siya ng cup noodles na may kamahalan para sa isang katulad niya. Dinamihan na lang ulit niya ang inom ng tubig pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD