NANG MATAPOS silang kumain ng dinner. Expected ni Bia na ang kasunod niyon ay uwian na. Ngunit mukhang nagkakamali siya. “May inihanda pa si daddy na palamuti para sa gabing ito,” ani Jamil na tumayo na at iminuwestra ang labas ng tent. Nakaalalay si Kennedy kay Bia nang sumunod sila sa mga ito. Hindi nga nagtagal at lumiwanag ang kalangitan dahil sa fireworks. Hindi tuloy mapigilan ni Bia ang hindi mapangiti. Ganoon din si Kennedy na nasa may tabi niya. Nakapulupot ang isa nitong kamay sa may baywang niya, pahapit dito. “Ang gaan lalo sa pakiramdam,” nakangiti pa ring wika ni Bia kay Kennedy habang ang tingin ay nasa kalangitan na nalalatagan ng fireworks display. Katulad tuwing Bagong Taon, animo senyales din ang mga paputok na iyon sa pagsisimula ng bagong bukas para kay Bia. ‘Nay

