“GINAWA talaga ninyo ‘yon kay Zebianna?” hindi makapaniwalang tanong ni Tami sa anak na si Samarrah matapos magsumbong sa kaniya ni Geo. “Anak,” aniya na halos manginig ang boses. “Bakit nagawa mo ‘yon? Kailan ako nagturo sa iyo ng kasamaan para sa kapwa mo, ha?” “I’m s-sorry, mommy. I’m really sorry,” umiiyak na hinging patawad ni Samarrah. “Sorry?” gagad naman ni Geo sa kapatid. “Samarrah, ilang beses ka ng gumawa ng masama kay Zebianna. Pero hindi ka pa rin talaga nagtatanda?” “Kuya Geo, maniwala ka sa akin. It’s not my idea. Si Aliyah, siya ‘yong nagplano.” “Pero mas pinili mo pa rin na makipagsabwatan sa Aliyah na ‘yon kaysa ang tulungan si Zebianna na makaiwas sa kapahamakan. Paano kung may nangyaring masama sa kaniya, ha? Subukan mo kayang lumagay sa kalagayan niya?” Hinawakan n

