IT’S NOW or never. Wala ng atrasan ngayong nakabalik na sa Pilipinas sina Azriel at Samarrah. Pero bago dumiretso sa Pagbilao City ay nanatili muna silang dalawa ng isang gabi sa isang hotel sa Manila. Nag-iipon ng lakas ng loob si Samarrah. Dahil sa pagkakataon na iyon, hindi biro ang mga tao na haharapin nilang dalawa ni Azriel. “Bakit hindi ka pa mahiga sa loob?” ani Azriel kay Samarrah nang puntahan nito ang nobya sa may terrace ng kanilang hotel suite. Medyo malakas ang hangin doon. “Ni-re-relax ko lang ‘yong sarili ko,” tugon niya sa nobyo. Maayos naman ang naging pag-alis nila sa Germany. May parte pa rin na hindi niya makakalimutan, lalo na ang pagiging welcome niya sa pamilya ni Azriel. Nakapamasyal din naman silng dalawa. At isa sa ipinagpapasalamat ni Samarrah habang nasa Ge

