Book 2 - Chapter 36: One Night Pleasure

1030 Words

“NAPATAWAG ka, Ken, anak?” masigla pang bungad ni Tami nang makatanggap ng tawag mula sa panganay niyang anak na nasa Cebu ngayon kasama pa ng dalawa nitong kapatid na sina Geo at Jamil. “Mom, puwede po bang makikisuyo kay Bia? Hindi po kasi sumasagot sa tawag ko kanina pa,” ani Kennedy. “Si Bia?” ulit niya. “Opo.” “Sandali, kanina pa nga hindi lumalabas ang batang ‘yon. Puntahan ko lang sa gamit niyang silid.” “Sige po.” Nang makarating sa tapat ng silid ni Bia ay kumatok pa nang tatlong beses si Tami. “Bia, anak? Nariyan ka ba? Papasok na ako,” paalam pa niya dahil wala siyang tugon na naririnig buhat sa loob ng silid nito. Maingat niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Ngunit hindi niya maramdaman ang presensiya roon ni Bia. Napakatahimik sa loob. “Bia, anak?” Ngunit wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD