AIDAN “You know what to do with her,” matigas kong sabi kay Zarex matapos kong makita ang text message sa cellphone ng babaeng kaharap ko. “Sir, parang awa mo na po, huwag mo akong patayín–” Natigil ang pagmamakaawa ng babae matapos lagyan ng packing tape sa bibig ng isa sa mga kasama kong tauhan dito sa basement. Ang akala yata niya ay hindi ko malalaman na nakikipagsabwatan siya at gumagawa ng kuwento para paniwalaan ko. She doesn't have the slightest idea that she's dealing with a smart guy. I managed to revive the deleted message in her phone inbox, kaya nakita ko ang palitan ng text messages ng taong kausap niya. I'm an expert when it comes to technology. Hindi lang ako basta sundalo at CEO ng mga kumpanyang hawak ko, but I'm also a lethal and dangerous mafia boss under my mafi