Chapter 99

2046 Words

FAYE “May pasok ka pa bukas, Faye, kaya matulog ka na,” utos sa akin ni Papa. Alas-dos na ngayon ng madaling araw, pero hindi ako nakakaramdam ng antok dahil sa nangyari kanina. Hindi ako tumayo at umalis sa tabi ng asawa ko dahil ayaw ko siyang iwan dito sa sala kasama ang mga magulang ko. May tiwala ako kay Papa, pero hindi sa aking ina. Nasaksihan ko kung ano'ng ginawa niya kanina kay Sir Adi, kaya nag-aalala akong maiwan dito sa sala ang asawa ko dahil baka kung ano na naman ang gawin niya. “Doon ka na sa silid mo para makapagpahinga ka na at mag-uusap kami nitong asawa mo,” utos sa akin ng aking ama dahil hindi ako kumilos sa kinauupuan ko. “Honey, listen to your father, may pasok ka pa mamaya, go and take some rest,” mahinang bulong sa akin ni Sir Adi. Mukhang napansin niya na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD