FAYE Matapos maligo, nagbihis na ako. Lumabas naman ng silid si Sir Adi, dala ang aming bag, at nagpaalam na pupunta siya sa plaza para buksan ang makina ng helicopter upang handa na ito kapag aalis na kami. Lumabas akong nakabihis na, dala ang aking cellphone. Napangiti naman si Papa nang makita niya akong suot ang aking puting sapatos at uniporme. “Iyan ba ang uniporme mo sa school na pinapasukan mo sa Maynila, Anak?” tanong ni Papa sa akin. “Opo, Papa,” nakangiti kong sagot. “Bagay na bagay sa iyo, Anak,” natutuwang sabi ng aking ama. “Masuwerte ka sa asawa mo, kaya maging mabuti ka sa kaniya, ha?” Nakangiti akong tumango at yumakap sa aking ama. “Mag-iingat ka sa Maynila at wala kami doon ng Mama mo.” Nakaramdam ako ng lungkot dahil aalis na naman ako, pero kailangan kong umalis