FAYE Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng aking asawa nang makita niya kung sino ang nasa larawan. Kumibot ang kaniyang mga labi at nalukot ang mukha, kasabay ng pangungunot ng noo. Hindi rin nakaligtas sa aking mga mata ang pagkuyom ng kaniyang kamao nang tingnan niya ang nakasulat na detalye sa likuran ng larawan. “Bakit hawak mo ito, Faye?” mariin na tanong ni Sir Adi sa akin. “Where did you get this?” Bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba nang makita ko ang pagtangis ng mga bagang ni Sir Adi habang kaharap ko at tila ba nagpipigil siyang magalit sa akin. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid namin na para bang may hinahanap habang hindi maipinta ang kaniyang mukha. Ilang ulit akong napakurap habang pinagmamasdan ko ang kakaibang emosyon sa mga mata ni Sir Adi ng