Chapter 102

2337 Words

FAYE Maingat kong itinago ang papel sa loob ng bulsa ng damit ko para hindi ito makita ni Sir Adi. Nakakapagod na kasing pag-usapan ng paulit-ulit si Mira. Para bang tinik siya sa lalamunan naming mag-asawa, kaya hindi kami puwedeng maging masaya. Siya ang laging pinagsisimulan ng aming tampuhan. Pinag-uusapan naman namin ang tungkol sa kaniya, pero pakiramdam ko'y kulang. Para bang may tinatago sa akin si Sir Adi, kaya lalo lamang akong naghihinala sa kaniya. Mabilis rin akong magselos at makaramdam ng insecurity kapag tungkol na kay Mira ang pinag-uusapan namin ng asawa ko, kaya hindi magandang ideya na magkaroon ulit kami ng panibagong argumento ngayong may natanggap na naman akong sulat. Gusto kong malaman kung sino ang nagbibigay sa akin ng mga sulat at kung paano siya nakakalapi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD