FAYE “Saan mo nakuha ang ideya na miyembro ako ng sindikato?” narinig kong tanong ni Sir Adi sa akin. “Hindi ba ang sabi mo kanina, what if kasali ka sa isang organisasyon?” tanong ko rin sa kaniya. “Hindi ba kapag mga ganyan, illegal iyan at sindikato na nagbebenta ng droga at organ ng mga kinidnap na tao?” Hindi sumagot si Sir Adi, pero tinawanan lang niya ako. Para bang katawa-tawa para sa kaniya ang sinabi ko, kaya nag-angat ako ng ulo at tiningnan siya dahil gusto kong malaman kung nagsisinungaling siya sa akin. “Sabihin mo nga sa akin, Adi. Kasama ka ba ng sindikatong kumukuha ng mga bata at sinasakay sa puting van ang mga nakidnap nila?” “What kind of question is that? Saan mo nakuha ang ideya na iyan?” magkasunod niyang tanong sa akin. “Sa telebisyon,” mabilis kong sagot. “Iy