FAYE “What's this?” tanong sa akin ni Sir Adi nang ibigay ko sa kaniya ang kapirasong papel na hawak ko. “Basahin mo,” tipid kong sagot. Ito ang papel na nakuha kong nakaipit sa aking aklat kanina. Matapos sabihin ng asawa ko sa akin ang tungkol sa kaniyang trabaho, nagpasya akong ibigay ito sa kaniya dahil hindi maganda ang kutob ko sa intensyon ng taong palihim na nagbibigay sa akin ng sulat at impormasyon tungkol kay Mira. Nakita ko na naman ang pamilyar na pagbabago ng emosyon ng asawa ko. Tumalim ang kaniyang mga mata at tiim-bagang na pinagmamasdan ang papel na hawak niya. Hindi na katulad ng dati ang nararamdaman ko ngayon habang nakikita ko ang matigas na ekspresyon ng asawa ko. Hindi na ako nagseselos kahit tungkol kay Mira ang laman ng sulat dahil alam ko na kung bakit ganit