FAYE Nang matapos kaming mag-ayos ng silid na tinutuluyan ni Sir Adi, bumalik ako sa maliit naming sala at lumapit ako sa asawa ko. “Sir, puwede na po kayong magpahinga sa loob,” mahinang sabi ko sa asawa ko dahil kinakabahan talaga ako. Alam kong nasa likod ko ang aking ina at ramdam ko ang kaniyang mga mata sa likuran ko, kaya abot-abot ang kabang nararamdaman ko. “It's okay, I can manage to sleep here on the sofa,” sagot ni Sir Adi sa akin. “Ikaw na lang doon.” “Pero–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumabat si Mama. “Naku, Sir, doon na lang po kayo sa silid at malamig dito sa amin sa probinsya sa gabi. Malamok rin po, kaya mabuting magkulambo ka para hindi maubos ng lamok ang dugo mo.” Kahit sinabi ni Sir Adi na ako na lang ang matulog sa silid, ay hindi siya pumayag. Wal