FAYE Matapos ang ilang sandaling katahimikan, nagpaalam si Sir Adi. Maliligo raw siya, kaya naiwan akong kasama si Baby Janica dito sa silid. Nagpasya akong lumabas kasama ang aking alaga dahil pakiramdam ko'y biglang sumikip ang hangin sa loob ng silid ng alaga ko. Minabuti kong mamalagi dito sa sala kasama si Janica dahil ayaw ko munang mapag-isa sa kuwarto. “Gusto mo bang mag-merienda, Faye?” tanong ni Armida sa akin. “Ikaw na lang. Hindi pa ako nagugutom,” walang ganang sagot ko kay Armida. “Ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin. “Mukha kang matamlay.” Ngumiti ako kay Armida at umayos ng upo. “Mainit kasi sa labas kanina, kaya sumakit ang ulo ko,” pagdadahilan ko. “Gano'n ba?” Marahan akong tumango bilang sagot dahil ayaw kong magpaliwanag ngayon. “Sandali, kukuha muna ako ng g