FAYE Napahawak ako sa magkabilang gilid ng aking upuan nang tutukan ng baril ng mga lalaking nasa labas ng sasakyan ang kotseng sinasakyan naming dalawa ng asawa ko. “Don't panic, honey,” mahinahon na sabi sa akin ni Sir Adi. “I'll deal with them.” “Adi, anong gagawin mo?” kinakabahan kong tanong sa kaniya. Pakiramdam ko'y bigla akong tinakasan ng lakas nang lumapit ang matangkad na lalaki at kinatok niya ang bintana ng sasakyan. “Huwag mong buksan, please,” nanginginig sa takot na pakiusap ko kay Sir Adi. “Baka saktan ka nila. Marami sila at may mga baril pa.” “Don't worry, I know them,” sagot ng asawa ko. “Sigurado ka?” kinakabahan kong tanong kay Sir Adi. Bumaling siya sa akin at ngumiti. “Yes.” Hindi nawala ang takot na aking nararamdaman kahit narinig kong sinabi ni Sir Adi n