FAYE Nang masiguro ni Sir Adi na maayos na ang lagay ng pamilya ko, niyaya niya akong lumabas muna ng silid na kinuha niya para tutuluyan ng aking mga magulang at kapatid. Naghihintay sa loob sina Mama at Don-Don habang kumakain dahil kinuha ng ilang nurse si Papa para sa gagawing x-ray sa kaniya at babalik na lamang sa loob kapag natapos na ang ilang medical test na gagawin sa kaniya. “Are you okay, honey?” tanong ni Sir Adi sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at nag-angat ng tingin nang pisilin niya ang palad ko. “Oo, ayos lang ako.” “Good.” “Saan tayo pupunta?” tanong ko kay Sir Adi habang naglalakad kami. “To see your doctor,” nakangiti niyang sagot. “Ngayon na?” Tumango siya at ngumiti sa akin. “We shouldn't waste more time. Almost one year na rin na nasayang ang sperm ko.” Munti