FAYE Kanina pa ako nakatitig sa aklat na hawak ko, pero kahit paulit-ulit akong nagbabasa, wala akong maunawaan sa buong chapter na binasa ko. Inilapag ko ang aklat sa tabi ko at pumikit na lamang para ma-relax ang aking isipan. Nakakapagod na kasing mag-isip ng paulit-ulit. Pakiramdam ko nga ay malapit na akong mabaliw dahil grabe ako kung mag-overthink. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kirot sa aking dibdib habang paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang magandang mukha ni Mira habang pareho silang nakangiti ni Sir Adi. Kahit ayaw ko na silang isipin pa, hindi ko pa rin ito napigilan. Apektado na rin ang aking emosyon, kaya namalayan ko na lang na biglang nanlabo ang aking mga mata at nagsimulang mangilid ang mga luha ko at bumagsak sa pisngi ko. Kahit sinabi ni Sir