FAYE Tinawag ni Sir Adi si Mang Zarex, at narinig kong inutusan niya ang kaniyang tauhan na siya muna ang bahala sa shipment ngayong gabi dahil may mahalaga raw siyang gagawin. Busy pala si Sir Adi, pero sasamahan niya ako pauwi sa probinsya, kaya nakaramdam ako ng hiya sa kaniya. Abalahin ko pa siya sa kaniyang trabaho, gayong may gagawin pala sila ni Mang Zarex, pero pinili niyang bigyan ako ng oras. Bigla tuloy akong nakaramdam ng sundot ng konsensya dahil kung ano-ano ang iniisip ko sa kaniya, pero laging siya ang nasa tabi ko at tumutulong sa akin kapag kailangan ko ng tulong. “Honey, let's eat our dinner first para makaalis na tayo,” sabi ni Sir Adi sa akin. “Sige.” Sumang-ayon ako dahil walang dahilan para magmukmok na naman ako dito sa loob ng silid namin. Gamit ang interco