FAYE Matapos kumain, niyaya na akong umalis ni Sir Adi. Ang akala ko nang sumakay kami sa elevator ay bababa kami sa ground floor, pero umakyat pataas ang sinasakyan namin matapos pindutin ng asawa ko ang button. “Saan tayo pupunta?” gulat na tanong ko kay Sir Adi. “Rooftop,” tipid niyang sagot. Hindi ko alam kung bakit kami doon pupunta at kung anong gagawin namin sa rooftop, pero nasagot ang tanong ko nang bumukas ang pintuan ng elevator. Hindi ko inaasahan na may helicopter palang naka-park dito sa rooftop. Kahit gabi na, kitang-kita ko ito dahil sa liwanag ng ilaw sa paligid. Ngayon ko lang napagtanto na malakas ang hangin dito sa itaas ng building at napakalawak ng rooftop, kaya masarap palang pumunta rito sa gabi. “Diyan ba tayo sasakay papunta sa isla?” tanong ko kay Sir Adi