Tahimik lang ang babae habang palabas kami ng gubat. Ibang klase ang paraan nito nang pagpapahirap kay Taco Martinez. Umalis kami roon na nagliliyab ang lalaki. Hindi ko na kailangan pang i-describe ang ginawa nito. Basta medyo binalatan, tinuklapan, at tinusok-tusok. My gosh! Hindi ko na dapat pang i-describe. Sumakay kami sa motor. 1 am na. Sa ganitong mood ng asawa ko'y cuddle at katahimikan lang ang kaya kong ibigay. Hindi muna ako dapat magtanong nang magtanong. Pag-uwi namin ay pumasok siya sa banyo, ako naman ay dumeretso sa cabinet n'ya at naghanap ng damit na pwede n'yang isuot. Pagkatapos ay naghintay lang ako sa harap ng pinto ng banyo, may hawak na towel at bihisan n'ya. Nang matapos ito roon ay lumabas ito. Walang saplot sa katawan. Pero imbes na maglakbay muna ang t