"S-ino ka?" tanong ng lalaki sobra-sobra ang panginginig ngayon. "I'm Wolf... Wolf De Rama." Napasigaw ang lalaki sa ibinulong ko. Pero agad kong tinakpan ang bibig nito. Nakalayo na si Papa Silas. Wala nang dahilan para bumalik pa siya sa pwesto namin ni Taco Martinez. Nalingunan ko pa si Hunter na nakikipag-usap sa mga tauhan ni Papa Silas. Maya-maya pa'y humugot ng baril iyong isa. Iniangat sa ere at kinalabit ang gatilyo. No'ng una'y hindi ko naunawaan kung bakit n'ya iyon ginawa. Pero na realize ko na ginawa nila iyon para palabasin tinapos na nila si Taco Martinez. Saka sila umalis. Naiwan si Hunter sa pwesto nila. "No, matagal ka nang patay. Nasa isip lang kita. Hindi ito totoo." Umiling-iling pa ang matanda. "Hindi ito totoo. Nasa utak ko lang ito." Pagtanggi nito sa katotohanan