"Para kang utot ko. Pasulpot-sulpot lang." Sa dami ng pwedeng gawing halimbawa sa akin ni Kuya King ay sa utot pa talaga n'ya ako inilarawan. Napasimangot ako. Kabababa ko lang ng sasakyan. Himala at pinasundo ako ni Papa Silas sa apartment ko. Masyado ko yatang ginagalingan. Kaya naman nagkusa na ito ngayon. "Wala akong hug?" tanong ko rito. Kahit halatang nagtatampo ay lumapit ito sa akin at mahigpit akong niyakap. "Mukhang kailangan ko nang mag-hire ng private investigator para lang malaman ko kung anong pinagkakaabalahan mo." Napatingin ako kay Papa Silas dahil sa sinabi ng kapatid ko. "Naku! Huwag na. Papayag naman na akong mag-island hopping tayo. Saan n'yo ba gusto? Basta iyong libre n'yo, ha. Wala na kasi akong pera." Pabirong ani ko. Lumipat ako sa tapat ni Kuya Stephen at yu