"Lupita!" excited na humarang sa daan ko si Iskayla. Katatapos ng misa. Nauna ito sa simbahan at wala ng pwesto sa tabi n'ya no'ng dumating ako. Kaya naman naghanap na lang ako ng ibang upuan. "I'm sorry hindi kita nareserbahan ng upuan." Hingi nito nang pasensya na hindi naman n'ya kailangan gawin. "Ayos lang naman." Lumingkis ito sa braso ko. Feeling close. "Uuwi ka na ba agad? Nakita ko ring nagsimba iyong boarder na kasama mo. Para kayong hindi magkakilala. Magkatabi nga kayo ng upuan. Pero hindi kayo nagpansinan." Paano ba naman kasi, tinanong n'ya ako. Kapag daw ba narinig n'ya iyong kiss be with you, lalaplapin daw ba n'ya ako. Parang nawala ang peace of mind ko sa tanong nito. "Medyo mailap kasi sa babae iyon. Parang allergic." Tugon ko. "Pero kinakausap n'ya ngayon ang bodyg