KEISHA "Thank you, uhm, sure kang ayaw mong sumama sa'kin? Alam mo na, mabigyan ka man lang ng simpleng reward," alok ko dito sa lalaki. Kanina ko pa talaga siya pinipilit na sumama para man lang ma-treat gano'n, pero ayaw niya talaga. Ni bihira nga lang itong magsalita, malay ko ba kung bakit. "Dito na ako. Last na alok, pera o bayong?" natatawa kong tanong. Lumapit ito sa akin imbes na sumagot, bigla niya na lang akong hinagkan. Syempre naman nagulat ang kaluluwa ko sa biglaan niyang atake kaya kaagad-agad ko siyang naitulak. At imbes na siya ang matumba, eh, ako ang napaupo sa lupa. "I'm sorry---" bulalas nito. Iaalok sana nito ang kanyang kamay ang kaso bigla siyang napaatras dahil sa sunod-sunod na putok ng baril. Nagulat akong lumingon dahil paniguradong ang pesteng Kamatayan na n