"Naku, pasensiya ka na, Sam. Pero hindi talaga kita masasamahan kumain sa labas. Magkikita kami ngayon ng pinsan ko na galing Canada, eh. Paalis na rin kasi siya bukas," paliwanag ni Cristy nang alukin niya uli ito na sabay silang kumain ng lunch sa labas. "Ayaw mo talaga? Sige ka. Hindi mo makikita ang poging driver ko," pamimilit ni Samantha. "Hindi ako interesado sa kaniya, 'no?" Kunwaring inismiran siya ng kaibigan. "Mas gusto ko pa ring makipagkita sa pinsan ko para sa masasarap na chocolates at mga lotion na pasalubong niya sa'kin." Mukhang hindi na nga talaga niya mapipilit si Cristy. Knowing her, hindi na ito kailangan na pilitin pa para mapapayag. "Sige. Ikaw ang bahala..." Hindi lang ipinahalata ni Samantha sa kaibigan na namroroblema talaga siya sa hindi nito pagsama. Ngayon

