Hatinggabi na pero hindi pa rin dalawin ng antok si Teddy. Samantalang mahimbing na ang tulog ng asawa niyang si Samantha. Nang-aakit ito sa kaniya kanina na may mangyari sa kanila. Pero nagpanggap siya na pagod at masakit ang katawan. Pero ang totoo, nakokonsensiya siya. Hindi niya kayang makipagniig dito habang may ibang babaenglaman ang isip niya. At ang masaklap ay kapatid pa nito iyon. Si Amanda. Ang sister in law niya. Ito ang babaeng dahilan kung bakit matagal nang walang nangyayari sa kanila ni Samantha. Mahal ni Teddy ang kaniyang asawa. Pero matindi ang pagnanasa na nararamdaman niya para sa kapatid nito. Lalo pa at palihim siya nitong inaakit kapag wala ang kapatid. Sinusubukan niyang pigilan ang tukso dahil ayaw niyang magkasala sa mahal na asawa. Pero paano ba niya matatangg

