Ilang minuto na lang at ma-li-late na sa trabaho niya si Samantha kaya pagkahinto pa lang ng sasakyan sa parking lot ay kaagad siyang bumaba. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ni Jigsaw. Pero nagmamadali rin ito na lumabas nang makita ang ginawa niya. "Bye, Jigs! I'll call you na lang kapag magpapasundo na ako," paalam niya rito at akmang tatakbo na. Pero hindi na natuloy ni Samantha ang pagtakbo nang biglang may humawak sa kamay niya at pinigilan siya sa pagmamadali niya. "Be careful. Medyo mataas ang heels mo. Baka madapa ka," nag-aalala na wika ni Jigsaw na siya palang humawak at pumigil sa kamay niya. Napalingon dito si Samantha at dahan-dahan na bumaba ang tingin niya sa mga kamay nilang magkahugpong. Napalunok siya nang mapansin na nakatingin din doon si Jigsaw. Halos saba

