"Amanda? Teddy?" nagtataka na untag ni Samantha sa asawa at kapatid nang maabutan niya ang mga ito na nasa loob ng master's bedroom at tila may seryosong pinag-uusapan. Parehong katatapos lang maligo ng mga ito at nakabihis na rin ng pang-alis. "May problema ba?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Parang gulat na gulat naman ang mga ito nang makita siya. "L-love..." Si Teddy ang unang napakisap at lumapit sa kaniya. "Pinag-uusapan lang namin ni Amanda ang tungkol sa orientation niya. She was suggesting na huwag na raw siyang um-attend para hindi na ako maabala sa trabaho." "Yeah, right, Ate," sabat naman ng kaniyang kapatid nang sa tila ay nakabawi ito sa pagkabigla. Lumingon din ito sa kaniya. "Nahihiya lang kasi talaga ako kay Kuya Teddy." Mariing napapikit at napahigpit nan

