"Good morning, love..." Nagising si Samantha nang may humalik sa kaniyang noo. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay mukha ng asawa ang sumalubong sa paningin niya. Ngayon lang niya naalala na nakatulog na lang pala siya sa pahihintay dito kagabi. "Good morning din." Nginitian niya ito bago umunat at saka bumangon. "Sorry kung hindi na kita nahintay kagabi, love. Nakatulog na ako sa sobrang antok." "Okay lang, love. Ayoko rin naman na mapuyat ka." Ngumiti si Teddy. Iyong magandang ngiti na parang masarap ang gising. Mukhang natapos nito ang mga kailangang tapusin kagabi kaya masarap ang tulog, ah. "Anong oras ka nga pala nakaakyat dito? Hindi na nga rin pala kita nahatiran ng kape." "Hindi ko na matandaan kung anong oras, eh. Tinapos ko kasi lahat ng trabaho na naiwan ko sa opisin

