"WOW! Ang ganda talaga ng bahay n'yo, Ate Sam. Yayamanin talaga," namamangha na bulalas ni Amanda nang makarating sila sa loob ng bahay nila ni Teddy. Dalawang araw lang sila sa Baguio at agad silang bumalik dito sa Maynila pagkatapos niya itong sunduin sa bahay ng nobyo nito sa Nueva Ecija. "Kahit ilang beses na akong nakapasok dito, amaze na amaze pa rin ako." "Amaze na amaze daw pero ayaw mo namang tumira dito," kunwari ay naghihinampo na sabi niya sa kapatid. "Ang drama mo talaga, Ate. Kakapanood mo 'yan ng mga baduy na teleserye. Siyempre, kahit maganda itong bahay n'yo, mas masaya pa rin sa Baguio dahil nando'n ang boyfriend at mga kaibigan ko," mahabang litaniya ni Amanda na may iritasyon sa boses pero hindi na lang niya pinansin. "Buti naman sa wakas ay nagawa mo rin akong pili

