Masayang sinalubong ni Vivian si Ice nang makapasok ito sa bahay nila. Galing ito sa bagong trabaho nito. Maaga itong umuwi dahil sasamahan siya nito sa regular check up niya sa OB-Gyne. "My queen..." nakangiting bati nito sa kaniya kahit halata sa mukha ang pagod. "Ice, Ice, baby..." pabiro niyang tugon at yumakap sa leeg nito nang magkalapit silang dalawa. Napangiwi ang asawa. "Magkakaroon na tayo ng panibagong baby tapos ganiyan pa rin ang tawag mo sa'kin?" kunwari ay reklamo nito. Buntis nga pala siya sa pangalawang anak nila ni Ice at almost two months na ang kaniyang tiyan. Pero kapansin-pansin na hindi hamak na mas malaki iyon kumpara noong ipinagbubuntis niya si Verex. Magdadalawang buwan pa lang pero malalaking maternity dress na ang nasusuot niya. Kaya iniisip nila na baka k