"Are you ready?" Napakislot si Ice nang tapikin siya ni Cucu sa balikat niya. Kanina pa siya nakatayo sa bungad ng sementeryo pero hindi niya magawang ihakbang ang kaniyang mga paa. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin siya makapaniwala na may mga kapatid siyang ibinenta noon ng kaniyang mga magulang sa mag-asawang foreigner. At ang mas nakakagulat pa ay triplets ang mga kapatid niyang iyon. Ang isa sa tatlo ay patay na raw. At iyon ang dadalawin niya ngayon sa sementeryong iyon. "Are you sure na kapatid ko talaga ang nakaburol sa pupuntahan natin?" tanong din ni Ice sa kaibigan. Si Cucu ang nagsabi sa kaniya tungkol sa bagay na iyon. Nagkataon na naging pasyente raw nito ang kapatid ng babaeng nakabili sa mga kapatid niya na dating taga-Nevada, U.S.A.. Naikuwento raw nito ang tungk