"I'm sorry, Kathleen. But you're right. Hindi gano'n kadali para sa'kin na ikuwento ang nangyari sa Kuya Hendrix ko," puno ng lungkot na tumingin uli sa kaniya si Vivian. "K-kasi ang hirap-hirap tanggapin, eh. Bilang kapatid niya, naaawa at nasasaktan ako para sa kaniya. At bilang may asawa na rin, mas lalo akong naaawa sa kaniya. Dahil kung sa'kin nangyari ang lahat ng iyon, baka hindi ko kayanin. Baka hindi lang pagmumukmok dito sa liblib na isla ang gagawin ko." Nakakaunawa na tumango-tango si KMJS. Ramdam niya ang sakit na sinasabi ni Vivian. "Naiintindihan ko po kung ayaw n'yong sabihin sa'kin." Pero ang totoo ay nauunawaan na niya ang gustong sabihin nito. At katulad nito ay labis na pagkaawa din ang nararamdaman niya para kay Hendrix. Kung siya rin ang nasa sitwasyon nito, sigurad