"Ano nga ang nangyayari?" galit nang tanong ni Samantha kay Amanda nang paulit-ulit nitong sinasabi na wala naman daw problema. Ito ang una niyang pinuntahan nang umakyat siya sa itaas. "Wala nga, Ate! Bakit ba ang kulit mo?" pagalit na rin na tugon ng kapatid. "Paanong wala? Eh, kanina ka pa nga umiiyak diyan!" Tila nauubusan na ng pasensiya na namaywang siya sa harapan ni Amanda. "Nag-away ba kayo ng Kuya Teddy mo? May ginawa ka na naman bang kasalanan?" "Iyan. Diyan ka magaling, Ate!" Naniningkit ang mga mata na tiningnan siya ng kapatid. "Palagi mo na lang akong pinagbibntangan ng kung ano-ano. Bakit naman kami mag-aaway ni Kuya Teddy? Eh, ang bait-bait no'n sa'kin. Mas kapatid pa nga ang turing niyon sa'kin kaysa sa'yo, eh." Pakiramdam ni Samantha ay nagpanting ang tainga niya. Su

