"Thank you ho, Manong," nakangiting wika ni Samantha sa driver ng taxi na naghatid sa kaniya sa bahay nila, bago siya bumaba. Habang nasa biyahe sila kanina ay hindi niya maiwasan na maalala si Jigsaw. Naaalala niya ang mga araw na ipinagmamaneho pa siya nito. Mali man pero nami-miss na talaga niya ang binata. May mga oras na ito ang nakikita niya sa tuwing ipinipikit niya ang kaniyang mga mata. Ilang beses na siyang natukso kanina na pindutin ang "Call" button sa tuwing tinitingnan niya sa Contacts ang pangalan at cellphone number nito. Pero iniisip na lang ni Samantha si Teddy at ang pagsasama nila kapag ginawa niya iyon. "Ma'am, sukli n'yo po..." Pinigilan siya ng taxi driver sa aktong pagbaba para iabot ang sukli sa isang libong pera na ibinayad niya rito. Nakangiting nilingon it

