CHAPTER 19-Kasalanan Man Ang Ibigin Ka

2850 Words

"Mga walanghiyaaaa! Ang bababoooy n'yo!" pakiramdam ni Samantha ay namamaos na siya sa kasisigaw habang pinagbabato kina Teddy at Amanda ang bawat gamit na mahawakan at madaanan niya habang palapit sa mga ito. Wala na siyang pakialam kung totoo man o hindi na buntis ang kapatid niya. Masiyadong madilim ang isip at paningin niya nang mga oras na iyon para intindihin pa ang ano mang sasabihin ng dalawa. Hindi niya alam kung paano pa nagawa ng mga ito na makapagsuot ng damit habang pinagbabato niya. Talagang magaling sumalisi ang mga animal! Lalo lang sumisidhi ang galit niya habang pinapanood ang kaniyang asawa na yakap-yakap si Amanda at sinasangga nito ang bawat gamit na ipinupukol niya sa mga ito. Sobrang sakit makita na mas pinoprotektahan pa nito ang kapatid niya kaysa sa kaniya na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD