Ramdam ni Samantha na sobrang hapdi na ng kaniyang lalamunan dahil sa walang tigil na pag-iyak. Marahil ay nasugat na iyon dahil sa malakas na paghagulhol niya. Pati ang kaniyang tagiliran na tumama sa couch kanina, hanggang ngayon ay sumasakit pa rin. Ngunit ang ano mang pisikal na sakit na nararamdaman ngayon ni Samantha ay walang-wala sa sakit nararamdaman ng kaniyang puso. Para siyang mawawala sa sariling katinuan. Kulang na lang ay patayin niya sa kaniyang isipan sina Teddy at Amanda. Bagaman at hindi pa rin niya maiwasan na mag-alala sa kapatid. And she hated herself so much because despite what she did she was still worried about her. "Tang-in* mo, Teddy! Bakit mo nagawa sa'kin ito?" namamaos na wika ni Samantha nang humayon ang tingin niya sa wedding picture nilang mag-asawa na

