CHAPTER 21-Kasalanan Man Ang Ibigin Ka

2115 Words

Sa kabila ng mga nangyari, pagkatapos marinig ang nangyari kay Teddy ay dali-dali na nagpalit ng damit si Samantha. Kinuha niya ang bag at susi ng kaniyang kotse at saka umalis na. Kahit sagad hanggang langit ang galit niya rito, at kahit ilang beses na niya itong pinatay sa isip niya kanina, nakokonsensiya pa rin si Samantha na hindi puntahan ang asawa. At kahit gulong-gulo na ang isip niya sa mga oras na iyon ay nagawa pa niyang tawagan ang mga magulang ni Teddy para ipaalam ang nangyari. Naging mabait naman ang mga ito sa kaniya kahit minsan ay parang naiinis na rin sa kaniya dahil hindi niya mabigyan ng apo na pinakapangarap din ng mga ito para daw magpatuloy sa lahi ng mga Sandoval. Pero nang makausap niya ang ina ni Teddy ay nagtaka siya kung bakit parang hindi lang ito naiinis sa k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD