Pagkatapos maisara ang pinto ay napabuntong-hininga si Jigsaw. Nilingon muna niya ang malawak at malaking kama bago dahan-dahan na lumapit dito. Masama ang loob niya habang inihahakbang ang mga paa niya. At hindi lang hinanakit kundi galit ang totoong namamahay sa puso niya. Isang malalim na buntong hininga pa ang pinakawalan ni Jigsaw nang dumako ang mga mata niya sa babae na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kamang iyon. Maingat siyang umupo sa gilid ng kama at nag-aagaw ang loob kung hahaplusin ba niya o hindi ang magandang mukha nito. Natatakot siyang istorbohin ang mapayapang pagtulog nito. Ngunit bandang huli ay nanaig pa rin kay Jigsaw na hawakan nang buong pagsuyo ang pisngi nitong may bakas pa ng mga tuyong luha. Lalong sumidhi ang galit sa kaniyang dibdib. Parang gusto niyang

