Umawang ang mga labi ni Samantha nang maramdaman niyang pinisil ni Jigsaw ang kaniyang dibdib. Kahit may saplot pa iyon ay damang-dama niya ang mainit nitong kamay. Kung hindi pa niya napigilan ang sarili ay baka napaungol pa siya. Ngunit hindi iyon maaari. Dahil sa oras na malaman ni Jigsaw na nasisiyahan siya sa ginagawa nito ay siguradong hindi na ito titigil. Mas lalo itong iinit at magiging mapusok. Mas lalo itong matutukso sa kaniya. At ang mas nakakatakot, baka kapag nangyari iyon ay hindi na rin mapigilan ni Samantha ang kaniyang sarili. Nang maramdaman niya ang pagdiin ng palad nito sa dibdib niya ay tila nagsilbi iyong bell para matauhan si Samantha at magising ang diwa niya. Mariin na ipinikit niya ang mga mata at nag-ipon ng lakas para baklasin ang mga braso ng binata na n

