"Hoy, bes! Saan ka galing?!" Nagulat pa si KMJS nang marinig ang tili ni Reyted K. Hindi niya namalayang nasa loob na pala siya ng dressing room para sa mga babaeng isasalang mamaya sa bidding. Ilang araw simula noong kulitin niya ang kaibigan ay napapayag niya ito at isinalang siya sa screening. Sinuwerte naman na pumasa agad ang dalaga kaya siya nandito ngayon sa Angel's Bar. Kabado at natatakot man ay pilit niyang nilalakasan ang loob. Para sa pamilya mo, KMJS. Relax ka lang! "Bakla ka! Kanina pa kita hinahanap. Hindi ka pa nagbibihis. Eh, malapit nang mag-start ang show." Si Reyted K ulit. Hindi na ito magkaundagaga sa pag-aasikaso sa kaniya. "Nag-C.R lang ako, bes. Alam mo na, bawas-kaba..." "Ginusto mo ito kaya 'wag kang kabahan. Tapangan mo ang loob mo. Lalo pa at wala nang ur