Dahil malalim na ang gabi kaya hindi na siya pinayagan ni Vivian na umuwi pa. Kaya nakitulog na lang muna si KMJS sa bahay nito. Pero kinabukasan ay hindi naman siya agad dinala nito kay Hendrix para makapag-isip at makapaghanda daw muna siya. At kahit ayaw ng dalaga ay inihatid pa rin siya ni Vivian sa bahay nila sa Cubao. "Maraming salamat po sa paghatid, Ma'am Vivian," saad ni KMJS nang tumigil ang magarang sasakyan nito sa bungad ng kanto na papasok sa bahay nila. "Pasensiya na ho kung hindi ko kayo maimbitahan sa loob. Delikado po kasi sa mga loko-loko dito itong kotse n'yon kapag iniwan. Baka kahuyin o pag-trip-an po. At saka isa pa, maraming tambay sa'min. Baka kayo naman ho ang pag-trip-an. Hindi ko kayo maipagtatanggol. Baka nga ako pa uli ang maipagtanggol n'yo, Ma'am, eh. Nakit